Lyrics

Dong Abay Music Organization - Dasal

0
original text at mamqa.com/ulyricsnew/dong-abay-music-organization-dasal-1867367
Panginoon ama namin
Dinggin ngayon ang panalangin
Tagumpay sa digmaang ito
Alay sa iyo

Tulungan mo po ang mga makabayan na lumalaban
Kayo'y magtungo sila ay samahan huwag pabayaan
Mula sa mapayapa naming buhay
Kami ay sasagupa sa kaaway
Sa bomba malalansag kanilang mga kawal
Sa bukid na panatag sila ay mabubuwal

Panginoon ama namin
Dinggin ngayon ang panalangin
Tagumpay sa digmaang ito
Alay sa iyo

Tulungan kami sa paglapastangan ng kanilang tahanan
Sa pang-aapi at di malilimutang takot at kalagiman
Puso ng ina ay madudurog tanging pag-asa masusunog
Kanilang mga anak na gutom at uhaw
Sa bayang winasak nag-iisa naliligaw

Panginoon ama namin
Dinggin ngayon ang panalangin
Tagumpay sa digmaang ito
Alay sa iyo
Nawa'y malunod ang putok ng baril ng kanilang paghiyaw
Nawa'y sumunod at hindi na tumigil ang alingawngaw
Ng sugatan nilang tumatangis
Higit sa langit ang sakit at hinagpis
Idadalit sa iyo na mapatid ang hininga
Ipagkakait mo ito
Sila ay magdudusa pa

Panginoon ama namin
Dinggin ngayon ang panalangin
Tagumpay sa digmaang ito
Alay sa iyo
Sa iyo

Amen
 Edit 
Copy

YouTube

 Edit 

More Dong Abay Music Organization

Dong Abay Music Organization - Oligarkya | Lyrics
Katotohanang hubad kalayaan ay huwad Kapulungang tamad katangaha'y walang katulad Kasamaang sagad kasakiman ang hangad Kaunlarang makupad kakupalan ang bayad Kapamilya

Dong Abay Music Organization - Dakilang araw | Lyrics
Dakilang araw ng silangan Buksan aking mga mata Dakilang araw ng silangan Patnubayan mga paa Dakilang araw ng silangan Buksan aking mga mata Bigyang kaliwanagan

Dong Abay Music Organization - Trade Mark | Lyrics
Taglay ang talambuhay tanging minanang dugo Taghoy sa nag-aapoy na tanikalang ginto Sa hagdanang palayan dios ang araw at ulan ina ang kalikasan Anino ng anito guhit ng unang tao

Dong Abay Music Organization - Dasal | Lyrics
Panginoon ama namin Dinggin ngayon ang panalangin Tagumpay sa digmaang ito Alay sa iyo Tulungan mo po ang mga makabayan na lumalaban Kayo'y magtungo sila ay samahan

Dong Abay Music Organization - Writ of Kalikasan | Lyrics
Sabi ng araw ako'y sumisikat rin Sabi ng ulap tumingin ka naman sa akin Sabi ng hangin ika'y hahaplusin Sabi ng apoy puso mo'y pagliliyabin Ang inaasam ng isang

Dong Abay Music Organization - Bahaghari | Lyrics
Huwag kang masindak sa kulog at kidlat O sa alulong ng hangin sa dagat May bahaghari may bahaghari Pagkatapos ng unos Huwag kang lumuha kung mataas ang baha Wala pang

Dong Abay Music Organization - Positibo | Lyrics
Sawang-sawa na Sawang-sawa na ako Sawang-sawa na akong magtanim Ng galit Kaya magtatanim na lang ako ng pag-ibig Kaya magtatanim na lang ako ng pag-ibig

Photo Dong Abay Music Organization

 Edit 

Dong Abay Music Organization - Biography

 Edit